10-talampakang sawa, nahuli sa QC barangay hall
Nahuli ang isang sawang sampung talampakan ang haba noong Biyernes ng gabi sa loob ng isang barangay hall sa Roxas district ng Quezon City. Pinaniniwalaan ng mga opisyal na nagmula ang sawa sa katabing sapa sa likod ng St. Luke's Medical Center. Nahuli ni village executive officer Romolo Lopez ang sawa matapos niyang muntikang tapakan ito habang papasok siyang sa gusali, ayon sa ulat ng radio dzRH nitong Sabado. Ayon kay Lopez, nakasaad sa report na ang sawang ito ang pinakamalaking nahuli sa taong ito. Ito rin ang ika-12 na nakapasok sa barangay hall para sa taon lamang na ito. Ayon sa ulat, hirap na makagalaw ang nasabing sawa. Ayon sa mga opisyal, dadalhin nila ang sawa sa Wildlife Bureau ng Department of Environment and Natural Resources. — Amanda Fernandez/BM, GMA News