ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Bb. Pilipinas– Miss Universe Janine Tugonon, lumipad na patungong Las Vegas


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Lumipad na noong Linggo patungong Las Vegas, Nevada ang kakatawan sa bansa para sa prestihiyosong Miss Universe 2012 na si Bb. Janine Tugonon.
 
Sinamahan si Janine ng kanyang pamilya at ilang kaibigan sa airport. 
 
Ayon sa ulat ni Luane Dy sa Unang Balita nitong Lunes, handa na raw si Janine na abutin ang kanyang pangarap na mauwi ang titulo at korona sa nasabing beauty pageant.
 
 
Gayundin, malaking karangalan daw para sa kanya ang kumatawan para sa sariling bayan. Kaya naman kung papalaring manalo ay iaalay daw niya ang kanyang tagumpay sa mga kababayan at sa Panginoon.
 
Sa Disyembre 19 ang nakatakdang gabi ng koronasyon ng Miss Universe 2012 na gaganapin sa Planet Hollywood Resort and Casino. — Mac Macapendeg/RSJ, GMA News