ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Bawal ang Pasaway: Benepisyo ng mga Kasambahay
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
BENEPISYO NG MGA KASAMBAHAY BAWAL ANG PASAWAY KAY MARENG WINNIE
Airing date: December 3, 2012
Kung may kasambahay ka, naibigay mo na ba ang 13th month pay niya?
Ang 13th month pay ang isa sa mga benepisyong dapat matanggap ng mga kasambahay sa ilalim ng inaprubahang Magna Carta para sa mga kasambahay.
Minsan isang linggo, dapat ding may 24 oras silang day off. Responsibilidad din ng amo ang hulog ng kasambahay para sa Social Security System (SSS) at Pag-ibig. Sa Metro Manila at iba pang lungsod, ang suweldo ay dapat na P2,500 pataas. P1,000 pataas naman kung sa mga probinsiya. At kung ang trabaho ay tuluy-tuloy at higit sa walong oras, dapat may overtime pay na.
Maipatupad kaya ang mga magandang layunin ng batas na ito?
Ngayon pa lang, makikita na ang ilang problema: Walang birth certificate ang maraming mga kasambahay kaya naman nadidiskubre na ang mga papeles na isinusumite nila ay peke pala.
Alamin ang mga benepisyo ng mga kasambahay at kanilang mga amo sa ilalim ng bagong batas na ito mamayang 10:00 PM sa Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie sa GMA News TV Channel 11!
More Videos
Most Popular