ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Reporter's Notebook: HIV at Investment Scam


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
REPORTER'S NOTEBOOK Airing date: December 4, 2012 “HIV” Ulat ni Maki Pulido   Ngayong 2012, ayon sa Department of Health, siyam na bagong kaso ng HIV ang naitatala sa bansa kada araw. Ang higit na nakababahala, kung bumababa ang mga kaso ng HIV sa ibang bansa, kabaligtaran naman daw ang nangyayari sa Pilipinas. Kung noong Enero hanggang Oktubre 2011 ay nasa mahigit isang libo at walong daan ang kaso ng HIV sa bansa, ngayong Enero hanggang Oktubre 2012 ay nasa mahigit dalawang libo at pitong daang kaso na ang naitala. Ano nga ba ang dahilan nito?   “INVESTMENT SCAM” Ulat ni Jiggy Manicad   Noong nakaraang buwan, nagulat ang buong bansa nang matuklasan ang itinuturing na isa sa pinakamalaking investment scam sa kasaysayan—ang Aman Futures scam. Umabot sa mahigit sampung libong tao ang nagsampa ng kaso at tinatayang nasa mahigit labindalawang bilyong piso ang natangay na pera ng Aman Futures mula sa kanilang mga miyembro. Pero bukod sa Aman, ilan pang investment scam ang natuklasan ng Securities and Exchange Commission o SEC. Isa-isang sinuri ng Reporter’s Notebook ang modus ng ilang investment scam at inalam kung paano sila nakapanloloko. Paano nga bang makakaiwas na mahulog sa bitag ng isang investment scam? Paano naman sila nakalulusot sa mata ng mga otoridad? Huwag palampasin ang REPORTER’S NOTEBOOK ngayong Martes, December 4, 11:30 PM sa GMA!