Sarah Lahbati, kinabahan sa love scenes nila ni Richard Gutierrez sa bagong pelikula
Hindi inakala ng Kapuso actress na si Sarah Lahbati na magkakaroon siya ng love scenes nang tanggapin niya ang pelikulang 'Seduction' na pinagbibidahan nila ng kanyang real life boyfriend na si Richard Gutierrez at ni Solenn Heussaff. Ayon sa ulat ni Lhar Santiago sa Chika Minute portion ng “24 Oras” nitong Lunes, aminado si Sarah na talagang kinabahan siya noong unang kuhanan ang intimate scenes nila ni Richard. Aniya, "First time kong gawin 'yung mga scenes dito and ako at saka si Direk Peque [Gallaga] nag-usap kami before namin gawin ang hindi ko akalain na magagawa ko 'to one day but you know, I trust Direk Peque and sobrang ganda ng story." Malaking pasasalamat naman ng aktres dahil si Richard ang kanyang katambal sa naturang daring scenes. "I don't have really much experience sa mga ganyang scenes and kumbaga, bago pa 'to sa 'kin and talagang inalalayan niya ako. He made sure na I was comfortable and he was just there to guide me," ani Sarah. Gagampanan ni Sarah ang papel ni Katrina, isang babaeng takot magmahal dahil naranasan na niyang masaktan. Ngunit nang makilala niya ang karakter ni Richard at muli itong umibig. Gayundin, magkakaroon ng malaking problema ang dalawa dahil sa karakter na gagampanan ni Solenn na may relasyon din kay Richard. Samantala, may mga plano na rin sina Sarah at Richard sa nalalapit ng Pasko. Kwento ng aktres, "I might spend Christmas of course with my mom and baka sila Chard also. We might actually go to Cebu with Chard's family but hindi pa po sure dahil sa schedule. — Mac Macapendeg/KBK, GMA News