We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Dahil sa patuloy na pagtangkilik at suporta ng mga Kapuso, magiging maganda ang pagtatapos ng 2012 para sa GMA Network dahil nangunguna pa rin ito sa nationwide ratings sa telebisyon, ayon sa Nielsen TV Audience Measurement. Mula Enero hanggang Nobyembre 2012, (Nobyembre 25 hanggang 30 batay sa overnight data), nakakuha ang GMA ng 34.6% sa total day audience share (mula 6AM - 12MN) sa National Urban Philippines o NUTAM, na mas mataas sa 31.5% ng ABS-CBN at 15% ng TV5. Naging kahanga-hanga rin ang ratings ng GMA sa Mega Manila at Urban Luzon pagdating sa total day ratings na mas mataas kumpara sa ibang kalabang estasyon. Sa Urban Luzon -- kung saan 77% ang sakop sa kabuuang television households sa bansa -- nakakuha ang GMA ng 38.4% sa total day average, na may kalamangan ng 11 puntos sa nakuhang 27.4% ng ABS-CBN at 23.9 puntos na lamang sa 14.5% ng TV5. Nangunguna rin ang GMA sa balwarte nito sa Mega Manila na sumasakop sa 59.5% ng lahat ng urban television households sa buong bansa. Kumabig ng 39.4% total day average ang GMA, na higit na mataas kumpara sa 25.8% ng ABS-CBN at 15.1% ng TV5. Sa loob ng 11 buwan, nanguna rin ang GMA sa ABS-CBN at TV5 pagdating sa mga pang-umagang programa (mula 6AM- 12MN) at sa panghapon (mula 12MN - 6PM) sa tala ng NUTAM, Urban Luzon, at Mega Manila. Sa buwan ng Nobyembre, dinomina ng GMA ang listahan ng mga nangungunang programa sa NUTAM, Urban Luzon, at Mega Manila kung saan ang multi-awarded news magazine program na Kapuso Mo, Jessica Soho ang numero uno na nakakuha ng 24.8% average household rating. Ang ilan pang Kapuso show na nasa top list ay 24 Oras, Kapuso Movie Night Pinoy Flicks, Aso ni San Roque, Kap's Amazing Stories, Coffee Prince, Eat Bulaga, at Pepito Manaloto. Kabilang ang GMA-7 sa 22 kumpanya na kumukuha ng serbisyo ng mas pinagkakatiwalaang Nielsen TV Audience Measurement. Ilan pa sa mga TV Network na naka-subscribe dito ay ang TV5, Faulkner Media, CBN Asia, at 15 advertising agencies, at 4 regional clients. Sa Mega Manila, may 1,190 households sample size ang Nielsen at 2,000 sample size naman para sa buong bansa.-- Mac Macapendeg/FRJ, GMA NewsAng GMA News Online ang official news website ng GMA Network