ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Lalaking may sakit umano sa pag-iisip, patay sa gulpi sa Dagupan City


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Isang 50-anyos na lalaki na may diperensiya umano sa pag-iisip ang binugbog hanggang sa mapatay ng dalawang lalaking kinulit daw ng biktima habang nag-iinuman ang mga ito sa Dagupan City, Pangasinan. Sa ulat ni Alfie Tulagan ng GMA-Dagupan sa Balita Pilipinas Ngayon ng GMA News TV, kinilala ang biktima na si Ernesto Sandoval ng Brgy. Carael, Dagupan City. Sa tulong ng mga saksi, nadakip naman ang mga suspek na sina Ryan Batekan at Richard Rosario, na anak umano ng isang barangay kagawad. Sa imbestigasyon ng pulisya, lumitaw na nag-iinuman umano ang mga suspek nang lapitan at kulitin daw ni Sandoval. Nang hindi umano makapagpigil si Rosario, sinuntok nito ang biktima at saka binugbog ng dalawa. Ayon naman sa saksing si Aida Tirao, nakalakad pa ang biktima bago nalagutan ng hininga. Idinagdag pa nito na tahimik lang ang biktima at hindi magulo. Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang dalawang suspek. - FRJ, GMA News

Tags: dagupancrime