ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Good news at bad news sa 'May Tamang Balita'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MAY TAMANG BALITA Good News o Bad News? Airing Date: December 6, 2012 Good and bad news, mga ka-tama!  Patuloy ang pagtaas ng piso laban sa US Dollar! Umabot na nga raw ito sa pinakamataas na antas sa loob ng higit na apat na taon.  Pero dahil sa lumiliit na halaga ng dolyar, lumiliit din daw ang purchasing value ng mga OFW?     Sa ibang balita, nalalapit nang pagbotohan ang pagsasabatas ng matagal nang nakabinbin na RH o Reproductive Health bill.  Tanong ng mga kababayan nating sumusuporta rito, “Anong petsa na?” Ito at iba pang mainit na isyu, pag-uusapan sa Balitaktakan!   Samantala, isa na namang makisig na lalaki ang makakapanayam ni Maey Bautista sa Pa-Star.  Ang kababayan nating ‘wagi” at nakapag-uwi ng “good news” sa ating bansa -- walang iba kundi ang Mr. World 2012 1st Runner-Up na si Andrew Wolff!   Syempre ‘di pahuhuli ang agaw -eksenang si Boobay. Sinu-sino na naman kaya ang tatamaan ng mga hirit niya sa “Ang Twit -Twit Mo” Christmas carol edition!?   Tutugon naman sa mga hiling ngayong pasko si Madame Belle Dama sa nagbabalik na segment na “Wish Madame.”   Tutok na sa kalahating oras na siksik sa balitang nakakatawa at gawa-gawa, kasama sina Ramon Bautista, Maey Bautista at Boobay, pati na rin ang special guests na sina Jinri Park, Madame Belle Dama, Manny Fake-yaw, Fred Cockroach at Tanya Markova!   Lahat ng ito sa May Tamang Balita ngayong Huwebes, 10:30 PM sa GMA News TV, Channel 11. Sundan ang May Tamang Balita sa Facebook at Twitter!