ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Ilang Kapuso shows at personalidad ginawaran sa Anak TV Seal


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Ginawaran ang ilang programa at personalidad ng GMA Network sa katatapos na 2012 Anak TV Seal Awards na ginanap noong Disyembre 4 sa Quezon City. Pinarangalan bilang top female personality ng Anak TV Roster ng Makabata Stars ang multi-awarded host at news anchor na si Jessica Soho. Sa katunayan, ito ang pangalawang pagkakataon na inuwi ni Soho ang prestihiyosong parangal matapos makakuha ng mataas na puntos sa bilang ng mga babaeng personalidad sa Boto Ko Surveys. Pasok din sa listahan ng Makabata Stars ang mga mamamahayag ng GMA News and Public Affairs (N&PA) na sina Arnold Clavio, Vicky Morales, at Kara David pati rin ang blockbuster king at Eat Bulaga! host na si Vic Sotto. Sa loob ng walong taon, patuloy ring nangunguna ang Anak TV Makabata Hall of Famers at news anchors ng 24 Oras na sina Mike Enriquez at Mel Tiangco sa mga isinasagawang surveys. Samantala, napili din ang bilang most well-liked TV programs ang award-winning news magazine program na Kapuso Mo, Jessica Soho, ang kauna-unahang wish-granting program sa bansa na Wish Ko Lang, ang number one at longest running noon time show ng bansa na Eat Bulaga!, at ang news program na 24 Oras.   Sa nasabing seremoniya, nakatanggap din ng Anak TV seal bilang pagkakaroon ng magandang content na angkop para sa mga pamilya lalo na sa mga batang manonood ang ilang palabas ng Kapuso Network.   Ilan na rito ang N&PA na Kapuso Mo, Jessica Soho, Wish Ko Lang, Born to be Wild, Pinoy MD, at Aha!. Pati rin ang Daldalita, i-Bilib, Kap’s Amazing Stories, Kusina Master, at Tropang Potchi ay nakatanggap din ng Anak TV seal. Ilang programa rin sa GMA News TV, ang numero unong news channel sa bansa, ay kinilala sa Anak TV. Ito ang Adyenda, Ang Pinaka, Brigada, Day Off, Diyos at Bayan, Good News, I Juander, Idol Sa Kusina, Jesus the Healer, Pop Talk at Sarap Pinoy.   Ang mga nagwaging programa at personalidad ay pinili ng mahigit 3,000 adult jurors na nagrerepresenta sa iba't-ibang sektor at geographic area sa pamamgitan ng assessment screenings mula Marso hanggang Nobyembre ngayong taon. — Mac Macapendeg/BM, GMA News