ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Derrick Monasterio, inawitan ang mga bagong kasal sa isang kasalang bayan sa Bulacan


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Naghandog ng mga awitin ang Kapuso tween actor na si Derrick Monasterio sa pag-iisang dibdib ng mahigit 60 na pares sa ginanap na kasalang bayan sa San Jose Del Monte, Bulacan.
 
Kwento pa nito, "Habang kumakanta ako, naghahawakan sila ng kamay, ganon. 'Yong isa ko pang nakita parang nakasandal si Ate dito sa ano [sa balikat] ni Kuya. Talagang sobrang sweet kaya nakaka-inspire rin na kumanta para sa kanila."
 
Ayon sa ulat ni Lhar Santiago sa Chika Minute ng 24 Oras noong Miyerkules, hindi pa nakararanas ang aktor na kumanta sa isang kasal.
 
Kaya naman kahit wala pa siyang tulog dahil alas singko na ng umaga natapos ang kanilang taping sa 'Paroa: Ang Kwento ni Mariposa' ay dumiretso na siya sa nasabing kasalan. 
 
Aniya, "Kasi hindi pa po ako nakaka-experience kumanta sa kasal, eh. So gusto ko po sanang first time 'tong maranasan and ayon, successful naman po so, okay."
 
Libre ang naganap na kasalan at maliban pa rito ay binigyan din sila ng pangkabuhayan para makasimula ng maliit ng negosyo. — Mac Macapendeg/RSJ, GMA News