ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Lalaking nagpa-full tank ng kotse, 'di na nagbayad, hinoldap pa ang gasolihan


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Isang lalaki ang nakunan sa close-circuit television (CCTV) camera na matapos magpa-full tank ng kanyang kotse ay hinoldap pa ang pinagkargahang gasolinahan sa Mangaldan, Pangasinan. Sa ulat ni Jasmine Gabriel ng GMA-Dagupan sa Balita Pilipinas Ngayon nitong Huwebes, sinabing hindi nakita sa CCTV footage ang itsura ng suspek at wala ring plaka ang ginamit nitong sasakyan. Sa naturang footage, nakitang nagpakarga ng gasolina ang suspek at nang sisingilin na ng gasoline boy ay naglabas ng baril ang drayber ng kotse at nagdeklara ng holdap. Bukod sa hindi nagbayad sa ipinakargang gas, tinangay pa umano ng suspek ang belt bag ng gasoline boy na may lamang P400 na kita ng gasolinahan. Sa Dagupan City, tatlong magkakatabing establisimyento naman ang nilooban ng mga magnanakaw at natangay ang mga pera at gamit na tinatayang nagkakahalaga ng P70,000. - FRJ, GMA News