ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Kasamahan sa Kamara, suportado pa rin kay Pacquiao


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Sa kabila ng kanyang pagkatalo, patuloy pa rin umanong hinahangaan ng kanyang mga kapwa mambabatas sa Kamara si Sarangani Rep. at "Pambansang Kamao" Manny Pacquiao. Sa isang pahayag, pinuri ni House Speaker Feliciano Belmonte Jr. si Pacquiao sa kanyang laban kay Mexican boxer Juan Manuel Marquez nitong Linggo (Sabado sa US) sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas. “Being a great champion also means having the grace to accept defeat with utmost humility as Manny has shown. He is still the people’s champ,” ani Belmonte. “Just as he has always been the symbol of Filipino resiliency, I am certain he can rise above this setback and still inspire our own people,” dagdag niya. Napatumba ni Marquez si Pacquiao sa ikaanim na round ng kanilang ikaapat na pagsagupa. Samantala, inilarawan naman ni Bayan Muna Rep. Neri Colmenares ang pagkapanalo ni Marquez laban kay Pacquiao bilang "fluke." “It’s a sad loss for us and for Manny, but that does not diminish his many accomplishments yet unequalled by any Filipino boxer. Now, more than ever, is the proper time to remember all his accomplishments,” inihayag ng mambabatas sa hiwalay na text message. Para naman kay Albay Rep. Edcel Lagman, ang "lucky punch" umano ni Marquez “cannot obliterate the illustrious boxing career of Manny Pacquiao.” “He [Pacquiao] truly deserves the continuing adulation of Filipinos and the boxing world, and he is entitled to a fifth bout with Marquez,” ani Lagman sa hiwalay na panayam. Si Pacquiao, ang neophyte na mambabatas, ay nakatakdang tumakbo para sa panibagong termino bilang miyembro ng Kamara sa darating 2013. Siya ang isa sa pinakamayamang mambabatas ng bansa noong nakaraang taon, at isa rin siya sa "top absentees" sa lower chamber. — Amanda Fernandez/BM, GMA News