ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Iba't ibang modus operandi ng mga kawatan ngayong Kapaskuhan sa 'Rescue'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
RESCUE Holiday Modus Airing Date: December 12, 2012 Ilang araw bago magpasko, abala na naman ang marami sa last minute shopping.  Pero hindi lang mga mamimili ang nakikipagsiksikan sa mga mall at sa lansangan.  Ang mga kawatan, nagkalat din! Isang ginang ang inabutan ng Rescue na dumulog sa Police Station 11 sa Maynila.  Nabiktima umano siya ng “pitas hikaw” habang nakasakay sa jeep.  Ang nasakoteng suspek, isang kinse anyos na binatilyo. Samantala sa Quezon City, isang cellphone ng isang cashier ang tinangay ng isang nagpanggap na customer. Ngayong kaliwa’t kanan na rin ang mga Christmas parties at pagtitipon, marami ang madalas umalis ng bahay na siya namang nakitang oportunidad ng ilang masasamang loob.  Ang mga sumalisi sa isang compound sa Taguig, huli sa CCTV! Alamin ang mga pag-iingat na dapat tandaan ngayong panahon ng kapaskuhan sa Rescue, Huwebes ng gabi pagkatapos ng Saksi!