ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
2 katao, sugatan sa salpukan ng 4 na sasakyan sa Pangasinan
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Sugatan ang dalawang rider nang masangkot ang pinapatakbo nilang mga motorsiklo sa karambola ng apat na sasakyan sa Bani, Pangasinan. Bukod sa dalawang motorsiklo, sangkot din sa aksidente ang isang pampasaherong bus at isang AUV, ayon sa ulat ng Balita Pilipinas Ngayon ng GMA News TV nitong Miyerkules. Sa imbestigasyon ng pulisya, lumitaw na nag-overtake ang bus pero nabigo ito. At nang bumalik sa linya ang bus ay nabangga nito ang AUV. Sumalpot naman sa AUV ang dalawang paparating na motorsiklo na dahilan para masaktan ang dalawang rider. Handa naman umano ang may-ari ng kumpanya ng bus na sagutin ang pagpapagamot ng dalawang rider. - FRJ, GMA News
More Videos
Most Popular