ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Lacierda: Ayuda para sa mga biktima ng bagyo, 'di nagkulang


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Todo depensa ngayon ang Malacañang laban sa mga batikos na umanoy nagkulang ang pamahalaan sa pagbigay ng ayuda at relief goods sa mga lugar na matinding nasalanta ng bagyong Pablo sa Mindanao. Sa ulat ni Benjie Liwanag sa dzBB nitong Huwebes, sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda na nakausap niya si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Dinky Soliman, at sinabi umano ng kalihim na napuntahan at nabigyan na ng tulong ang lahat ng mga lugar na hinagupit ni Pablo. Sinabi rin ni Lacierda na nakatakdang magbigay ng pangatlong "round" ng relief goods ang DSWD sa mga apektadong mga probinsiya. Sinabi rin umano ni Cabinet Secretary Jose Rene Almendras na hindi kapani-paniwala ang mga lumabas na mga balita na nagkagulo at nag-agawan ng relief goods ang mga biktima ng bagyo. Napabalitang maraming mga apektadong residente ang nagrereklamo na hindi sila nakatatanggap ng relief goods, taliwas sa ipinagmamalaki ng pamahalaan na lahat ay naabutan na ng tulong. — LBG, GMA News