ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Sina Gary David at Marvin Somodio, tampok ngayong Linggo sa Sports Pilipinas


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Isang maaksyong Sports Pilipinas na naman ang handog namin sa inyo ngayong Linggo! ONE-ON-ONE: GARY DAVID
Makaka one-on-one ni Chino Trinidad ang isa sa mga superstars ng PBA, ang bigtime scorer na si Gary David!
 
DOWNHILL MOUNTAINBIKING Ito ang isa sa mga pinaka-exciting na sports ngayon. Kung hanap mo ay extreme action at ibang klaseng adrenaline rush, abangan ang aming feature tungkol sa fast and furious world ng downhill mountainbiking!
 
PROFILE: MARVIN SOMODIO Matutunghayan din natin anf nakaka-inspire na kwento ni Marvin Somodio, ang boxing trainer na nagmula sa hirap at ngayon, isa nang bigtime world-champion boxing coach! Nakapanayam siya ni Chino sa Los Angeles, kaya 'wag palalampasin ang world-class talent na ito!  
 
EXTREME HAVEN: DANAO ADVENTURE PARK
The Plunge... Suislide... Skyride... Rappelling, caving, at trekking. Kung adventure at adrenaline junkie ka na naghahanap ng one-stop-shop para sa excitement at rush, pwes, samahan niyo ang ating sports contributor na si Gino Dela Pena sa Danao Adventure Park sa Bohol! Lahat ng 'yan, mapapanood ngayong Linggo sa Sports Pilipinas, 11:15am sa GMA News TV