ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Island Adventure with Chuckie and Yen Dreyfus on Weekend Getaway


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Ngayong Sabado, tiyak na kikiligin kayo sa weekend adventure ni Chuckie Dreyfus at ng kaniyang asawa at one, true love na si Yen dahil dadalin sila ng Weekend Getaway sa San Juan, Batangas! Lagpas isang dekada nang mag-asawa si Chuckie at Yan pero hindi pa raw sila talaga nakapagbabakasyon na sila lang. Kaya naman excited ang mag-asawa sa kanilang unang bakasyon na hindi kasama ang kanilang mga anak! Ang kanilang destinasyon ay ang pangalawa sa pinakamalaking munisipyo sa Batangas, ang San Juan. Palibhasa'y malapit sa Maynila, paborito itong puntahan ng mga local tourists. Unang bibisitahin ng mag-honey ang Nepomuceno Church na isa sa landmarks ng munisipyo. Itinayo noong panahon ng Kastila, ang simbahang ito ay gawa sa pinaghalong mga materyales. Ang kisame, gawa sa pinagsama-samang tabla. Matapos ang kanilang pagbisita sa simbahan, siyempre sunod na pupuntahan ng mag-asawa ang crytal clear waters ng San Juan beach kung saan first time silang magka-kayaking at snorkelling. At pag-lubog ng araw, isang romantic dinner by the beach ang naghihintay sa kanila at isang nakakakilig na kanta ang inialay ni Chuckie kay misis. Sa pagpapatuloy ng kanilang sight-seeing, bibisitahin ng warriors ang isang pagawaan ng mga palayok na ipinagmamalaking produkto ng mga Batangueno. Pagkatapos, titikman naman nila ang Pinaugok, isang uri ng panghimagas na gawa sa pinipig, niyog, asukal at gata! Nariyan din ang Pinaltok, ang Batangueno version ng ginataan pero bilo-bilo ang bida. At bago matapos ang weekend ng ating lovebirds, makikibahagi muna sila sa paghahanda ng mga taga-San Juan para sa Lambayok Festival na ipinagdiriwang tuwing Disyembre. Ang salitang Lamabayok ay galing sa pinagsamang lambanog, palayok at karagatan na siyang pangunahing produkto at tourist destination sa lugar. Siyempre, hindi naman pwedeng matapos ang Weekend Getaway kung walang travel missions. At para mauwi nila ang clothing gift certificates worth 20 thousand pesos, kailangang makumpleto nila ang tatlong travel missions. Sa Travel Mission #1: Warriors vs. Time, kailangang mamalengke ng warriors para kumpletuhin ang mga sangkap ng paboritong merienda ng mga Batangueno, ang Goto Batangas. Pagkatapos makuha ang ingredients, kailangan din nilang umubos ng tig-iisang mangkok ng Goto Batangas! Sa Travel Misson #2: Warriors vs. Time ulit, kailangang manghuli ng warriors ng isang kilong kungo, isang uri ng alimango na paboritong ulam sa Batangas. Sa kanilang huling misyon, Travel Mission #3: Warriors vs. Expert, makikipagtagisan sa galing sa pag-akyat ng puno ng niyog ang mag-asawa. Ang kakalabanin nila, ang mangangarit expert na si Alvin. Para sa misyon na ito, kailangan  nilang mangolekta ng kalahating timba ng nectar ng niyog na ginagawang lambanog. Magtagumpay kaya ang ating partners for life sa kanilang nakakapagod, nakakalula  pero nakakakilig na travel adventure? Alamin ngayong Sabado sa Weekend Getaway kasama si Drew Arellano, 4:30PM sa GMA NewsTV!