ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Malaysian national na hinihinalang terorista, napatay ng mga pulis sa Davao City


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Isang Malaysian national na miyembro umano ng teroristang grupo na Jemaah Islamiyah (JI) ang binaril at napatay ng mga pulis sa Davao City nitong Biyernes ng gabi. Sa ulat ng GMA News TV's Balitanghali nitong Sabado, sinabing batay sa paunang imbestigasyon, napaslang si Mohammad Noor Fikrie Bin Abud Kahar, sa labas ng isang resutarant na malapit sa Peoples Park. Kasama umano ni Kahar nang sandaling iyon ang asawa nitong si Annabel Nieva Lee, na isang Pilipina. Ayon sa hepe ng Davao City Police na si Sr. Supt. Roland Dela Rosa, nagkaroon pa muna ng habulan at nagbanta pa ang suspek na may pasasabuging bomba sa dala nitong bag bago nabaril ng mga pulis. Nang suriin ng mga pulis ang dalang bag ni Kahar, lumitaw na totoo na mayroon itong bomba. Matagal na umanong minamanman ng pulisya ang mag-asawa dahil sa nakalap na impormasyon na may kaugnayan sila sa JI. Inaalam din ng mga awtoridad kung may suicide bomb mission ang dalawa. - FRJ, GMA News