ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Eddie Garcia, nagwaging Best Actor sa 55th Asia Pacific Film Festival
By MAC MACAPENDEG, GMA News
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Inuwi ng 83-anyos na aktor na si Eddie Garcia ang parangal bilang Best Actor sa 55th Asia Pacific Film Festival na ginanap sa The Venetian Macau Resort Hotel noong Sabado.
Ito ay para sa kanyang papel bilang si Rene, isang matandang lalaki na inamin ang kanyang sekswalidad sa edad na 70, para sa pelikulang "Bwakaw."
Ang nasabing balita ay ikinumpirma sa tweet ni Jun Robles Lana, direktor ng nasabing pelikula.
Eddie Garcia just won Best Actor and got a stand ovation at the 55th Asia Pacific Festival in Macau! Congrats Tito Eddie! #BWAKAW
— Jun Robles
Tinalo ng 83-anyos na aktor ang lima pang nominado sa nasabing kategorya na sina Lee Byung-hun, Lau Ching Wan, Joseph Chang, Masato Sakai, at Tony Leung Kar Fai.
Ang "Bwakaw" ay unang napanood sa 2012 Cinemalaya Independent Film Festival and Competition.
Gayundin, nominado rin sa nasabing film festival ang Superstar na si Nora Aunor sa kategoryang Best Actress para sa pelikula ni Brillante Mendoza na "Thy Womb."
Ang parangal bilang Best Actress ay inuwi ni Gwei Lun Mei mula sa Taipei, Taiwan para sa pelikulang “Girlfriend, Boyfriend.”
Ang “Thy Womb” ay pasok din sa Metro Manila Film Festival na gaganapin ngayong Disyembre. —KG, GMA News
More Videos
Most Popular