ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Alamin ang mga plano ng ilang Kapuso stars ngayong Pasko


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nagkwento ang ilang Kapuso stars tungkol sa kani-kanilang mga plano sa darating na Pasko. At halos lahat sila, nasa plano ang makasama ang kani-kanilang pamilya at mahal sa buhay. Sa ulat ni Luane Dy sa Balitanghali, inihayag ng Kapuso actress na si Carla Abellana na sa bahay ng kanyang lola sila magpapasko kasama ang kanyang pamilya. "As always, I celebrate it with my family, dito lang sa Pilipinas, sa Manila. Every year naman, doon lang kami sa house ng lola ko, eh," saad niya. Ang Sosy Problems lead actress naman na si Rhian Ramos, ipagluluto raw ang kanyang mga mahal sa buhay sa Pasko. "Everyone goes to.. 'yong bahay namin. Tapos nagdi-dinner kami. Tapos nagluluto, lahat may contribution ganun," ayon sa aktres na kasamang bibida sa epic-series na Indio. Nagdesisyon naman daw ang magkasintahang sina Mark Herras at Ynna Asistio na hindi sila magpapalitan ng regalo ngayong taon. "Pareho kaming dalawa, eh. Nagtatanungan kami, ang sagot namin sa isa't-isa kahit wala o huwag na. 'Di naman importante 'yon, eh," paliwanag niya. Ang Temptation of Wife star na si Rafael Rosell, posibleng hindi raw sa Metro Manila magdiriwang ng Pasko. Aniya, "Baka sa probinsiya kami ni Daddy, eh, sa Cebu. Or probinsiya din ni Mommy sa Bicol. Pero hindi pa kami sure, eh," pag Samantala, simple naman ang magiging selebrasyon ng Kapuso hunk actor na si Aljur Abrenica ngayong darating na Pasko na kasama ang kanyang mga kapatid at ilang kaibigan. Plano raw ng aktor na sulitin ang kanyang bakasyon at magpahinga sa North Luzon kasama ng ilang mahal sa buhay. Pero hindi daw niya makakasama ang rumoured girlfriend nito na si Kylie Padilla dahil pupuntang Germany ang aktres. Nagpaplano naman ang tween star na si Bea Binene ng Christmas party at magpa-outing para sa kanyang mga fans bago mag-Pasko. Pero sa araw mismo ng Pasko, nasa bahay lang siya at kasama ang pamilya. Nauna namang ibinahagi ng magkasintahang Richard Gutierrez at Sarah Lahbati na makakasama rin nila ang kani-kanilang pamilya para sa salo-salo ngayong Pasko, at Cebu naman nila sasalubungin ang bagong taon. - Mac Macapendeg/FRJ, GMA News