ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Front Row: 2012's Best


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Front Row's 2012's Best December 29, 2012   Sa mahigit isang taon ng dokumentaryong Front Row, binigyang-pugay ang ilang de kalidad nitong dokumentaryo hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa. Noong Abril, dalawang Silver World Medals ang nakamit ng Front Row mula sa prestihiyosong New York Festivals kung saan kinilala ang mga dokumentaryong "Mga Yaman sa Basura" at "Bente Dos." Nagkamit din ito ng Certificate for Creative Excellence sa 2012 United States International Film and Video Festival. Ang programa ay naging Finalist din sa Catholic Mass Media Awards at Lasallian Scholarum Awards ngayong taon. Isang malaking karangalan pa ang natamo ng programa nang ipalabas ang dokumentaryo nitong "Ang Pinakabata"  sa 2012 Cinemalaya Festival, ang kauna-unahang TV documentary na ipinalabas sa naturang festival.   Sa pagtatapos ng 2012, mula sa tinig ng mga masigasig na bumubuo ng programa, babalikan ng Front Row ang ilan sa dokumentaryong hindi lang tumatak sa manonood kundi nagmulat sa mga makabuluhang kuwento ng mga Pilipino.