ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Janine Tugonon sa bf: 'You’re the one I want to spend the rest of my life with'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Sa pamamagitan ng Twitter, ipinaabot Miss Universe 1st runner-up Janine Tugonon ang kanyang pasasalamat sa nakamit na tagumpay sa katatapos na Miss Universe pageant Sabit na rin umano ang dalaga na bumalik sa bansa: "Im just thankful, happy and excited to go home!!!!! Thank you Lord. To You be the glory and honor! :)" Sa panayam naman nina Pia Arcangel at Raffy Tima sa programang Balitanghali sa GMA News TV, sinabi ni Janine, “Relaxed na ako. Happy na ako na narating ko yun, second out of 89 girls." Sa naturang panayam, nagkaroon din ng pagkakataon si Janine na makausap ang kanyang nobyo na si Jaypee Santos. Narito ang bahagi ng panayam. Jaypee: “Hi, Mahal!" Janine: “Mahal! Alam kong isa ka sa nagdasal na hindi ako manalo kasi gusto mo na kong bumalik." Jaypee: “Uy, hindi. Nung una... Nung una, siyempre, nagdadalawang-isip ako. “Nung pagdating ng pageant, yun, ipinagdasal ko talaga na manalo ka." Tinanong ni Pia si Jaypee kung ano ang gusto niyang sabihin kay Janine. Jaypee: “Una sa lahat, happy monthsary. Eto yung pinaka-gift so far, Merry Christmas na rin. Ang ganda ng gift mo sa Pilipinas." Janine: “I love you!" Jaypee: “I love you, too." Pia: “Ilang months na ba kayo?"   Janine: “Eight pa lang." Pia: “Janine, na-miss mo siguro nang husto si Jaypee, noong nandiyan ka?" Janine: “Sobra! Ano kami, nagpe-Facetime pero hindi rin parati kasi yung Internet may bayad. Pero nagpe-Facetime kami." Pia: “Jaypee, saan mo pinanood yung competition, nasa bahay ka ba?" Jaypee: “Hindi. Nag-set-up kami dito sa office. Lahat nung mga kaibigan at officemate niya nandito para suportahan siya." Raffy: “Ngayon at first runner-up ang iyong kasintahan, ano'ng nararamdaman mo? “Meron ka bang kaba na nararamdaman kasi alam naman natin kung anong ine-entail ng pagiging isang beauty queen ng iyong girlfriend?" Jaypee: “Wala na, sobrang nakahinga na ko nang maluwag. Pero kanina talaga, hindi ko na maramdaman yung katawan ko sa sobrang kaba." Tinanong din ni Raffy kung ano ang naging reaksiyon ng mga kasamahan sa trabaho nila Janine nang ia-announce na nga ang pagkapanalo nito. Jaypee: “Ayun, sobrang saya nila. Kino-congratulate nila si Janine, kino-congratulate rin nila ‘ko." Hiningi ni Raffy ang mensahe ni Janine para kay Jaypee at sa kanyang pamilya. Janine: “Sobrang maraming-maraming salamat talaga, mula sa ‘king puso. “Hindi lang talaga ‘ko magaling mag-express ng pasasalamat, pero sobrang nagpapasalamat talaga ako kasi damang-dama ko dito sa Vegas yung support nila. “And uuwi na ‘ko! Yehey! Kita-kita tayo diyan. Para mag-celebrate tayo, di ba." Tinanong naman ni Raffy kung paano babalansehin ni Janine ang oras niya para kay Jaypee ngayong magiging busy na siya sa mga gawain bilang isang beauty queen. Janine: “Sanay naman na 'yan, e. I mean, yung una pa lang, medyo busy na. Sanay naman 'yan. As in talagang very understanding naman siya. “So usually sumasama siya sa mga ginagawa ko. Kaya ayun. For sure naman mawo-work out namin yung mga schedule, di ba?" Raffy: “Hindi ba nakakakaba na first runner-up sa Miss Universe yung girlfriend mo? I’m sure maraming kalalakihan diyan ang nakatingin diyan, Jaypee! Anong masasabi mo?" Jaypee: “Sa ‘min naman kasi, napag-usapan na namin 'yan and alam ko na yung mindset namin na when you put God on top of your relationship, nobody can break you." Hiningi muli ni Pia ang mensahe ni Janine para kay Jaypee. Janine: “Uwi na ‘ko! Alam kong tuwang-tuwa ka na uuwi na ‘ko. Ayun. I love you very, very much. “Basta sa ‘kin, don’t worry about my faithfulness. We’re both Christian and I’m gonna live up to it. “I’m gonna be faithful to you kahit sino pang ma-meet ko, kahit ano pang gawin ko sa buhay ko. “You’re the one I want to spend the rest of my life with." Jaypee: “Siyempre, alam mo naman na, kahit anong mangyari, siyempre, ikaw pa rin ang mamahalin ko. “Alam mo na pinag-pray din kita na sana makatagpo ako ng babae na talagang mamahalin ako nang sobra at mamahalin ako nang totoo." Pia: “Jaypee, sasalubungin mo ba si Janine sa airport?" Jaypee: “Siyempre naman po. Kung maaari nga lang pumunta ako dun [sa Las Vegas] para sunduin siya, e." -- Kathleen Benavidez, PEP