ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Bawal ang Pasaway: Christmas Eve Episode


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
CHRISTMAS EVE EPISODE BAWAL ANG PASAWAY KAY MARENG WINNIE
Airing date: December 24, 2012
 
Ano ang mangyayari kapag nagkasama sa studio sina Prof. Winnie Monsod at Jon Santos bilang Senator Meeriam Defensive Defender Santiago?
 
Magsisimula sila sa matalinong usapan at magtatapos sa pagsayaw ng Gangnam.
 
Ito at iba pang nakakatuwang eksena ang mangyayari sa usapang Pasko sa Christmas Eve episode ng Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie.
 
Ayon kay Senator Meeriam, ang lahat ng masamang nangyari sa taong ito ay dapat ibaon sa limot; mula sa impeachment trial ni dating Supreme Court Chief Justice Renato Corona, sa naging away niya sa isa sa mga abogado ni Corona, at maging ang tunggalian nila ni Rep. Neil Tupas.
 
"Past is past, even Tupas," ayon sa senador.
 
Alamin ang iba pang nakatutuwang pagtingin ni Senator Meeriam sa mga seryosong isyu ng bayan kasama si Mareng Winnie sa Lunes, ika-10 ng gabi sa GMA News TV Channel 11.