ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

PCG: 5,123 stranded sa mga pier dahil sa bagyong Quinta


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Umabot na sa 5,123 pasahero ang stranded sa iba't ibang mga daungan sa bansa dahil na rin sa malakas na hangin at ulan na dala ng bagyong Quinta na anim na beses nang nag-landfall sa Visayas. Ayon update ng Philippine Coast Guard (PCG) dakong alas-7 ng umaga nitong Miyerkules, pinakamaraming mga stranded na pasahero ang nasa Manila harbor, na umabot na sa 2,550. Sa Catbalogan, Samar, 82 naiulat na stranded; 454 naman sa Maasin, Leyte; 223 sa Bicol; 111 sa Tagbilaran sa Bohol; 300 sa Dumaguete, Negros Oriental; 939 sa Cebu; at 145 sa Iloilo. Sa Mindanao naman may 200 sa Cagayan de Oro; 75 sa Butuan; 44 sa Dapitan City; at 145 naman sa Iloilo. Umabot naman sa 82 mga barko at 23 na mga motor banca at 163 na rolling cargoes ang nasa mga nabanggit na mga pier, habang walong iba pang mga barko ang sumisilong sa iba pang mga daungan. "Philippine Coast Guard Units in the area are on heightened alert and continuously monitoring development and effects of the weather disturbance to ensure preparedness and strictly monitor/enforce directives on prohibiting/regulating movements of vessel on areas where PAGASA detects the presence of Tropical Storm "Quinta," ayon pa sa ulat ng PCG. — LBG, GMA News