ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

A Sweet 'Weekend Getaway' in Naga City


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Tiyak lalanggamin ang Friday night ninyo dahil ang sweet na sweet na si John “Sweet” Lapus at ang kaniyang BFF na si Nikki ang weekend partners sa pagpunta ng Weekend Getaway sa tinaguriang Heart of Bicol, ang Naga City!   Haharapin ng dalawa ang mga hamon ni Biyahero Drew Arellano sa pinaka-happening city sa Kabikulan.  Nagsimula bilang isang third class municipality, narating ng siyudad ang first class status dahil sa pamumuno ng kinikilalang Ama ng Naga noon, ang namayapang si Secretary Jesse Robredo. Ngayon, sikat ang Naga dahil sa Penafrancia Festival at jump-off point din ito papunta sa Caramoan at Camarines Sur.   Bago mapasabak sa matinding pagsubok sina Sweet at Nikki, nag-relax at nagpakabusog muna muna sila sa Avenue Hotel. Pumunta rin sila sa Haciendas de Naga Adventure Park kung saan napatili sila sa ilang extreme activities tulad ng rapelling at pagtawid sa zipline. Nasubukan din ang pagka-asintado nila sa firing range.   Siyempre, hindi makukumpleto ang pagbisita sa Naga kung hindi makikita ang historical churches na dinarayo ng mga turista.  Tulad na lang ng kinikilalang mother of all cathedrals sa Bicol, ang Metropolitan Cathedral na itinayo pa noong 1595!   Nag-nature-tripping din ang BFFs sa Naga City Ecology Park.  Sa laki nitong limang ektarya, nasulit nila ang kanilang pagbisita, lalo na sa Eco-Walk Maze na ipinagmamalaking atraksiyon ng park. Tuloy din ang nature-tripping nila sa Mt. Isarog National Park.  Sa taas na 1,966 meters above sea level, ito na ang pangalawa sa pinakamataas na bundok sa Bicol Region! Siyempre, hindi pinalampas ng warriors ang pagkakataong magtampisaw sa isa sa tatlumpung waterfalls na makikita rito.   Para naman masungkit ng magkaibigan ang bonggang reward na naghihintay sa kanila, kailangan muna nilang malampasan ang kanilang tatlong Travel Missions:  ang makalusot sa nakakahilong Eco-Walk Maze sa loob ng sampung minuto, ang umubos ng maaanghang na putaheng Bicolano sa loob ng limang minuto, at ang makapuno ng isang baso ng goat’s milk sa pamamagitan ng manu-manong paggatas sa mga kambing.    Mapanatili kaya ni Sweet at Nikki ang kanilang matamis na disposisyon, o nakasimangot silang lilipad pabalik ng Maynila?  Abangan sa Weekend Getaway, Biyernes, 10PM sa GMA News TV.