GMA News Online
Ulat Filipino
»
Dagupan

Paslit, naputukan ng napulot na piccolo

December 28, 2012 8:27pm
Umabot na sa mahigit 100 katao ang mga nadisgrasya sa mga paputok sa bansa simula noong nakaraang Biyernes. Sa naturang bilang, siyam ang nagmula sa lalawigan ng Tarlac.

Sa ulat ni Ronald Umangay sa GMA News TVs Balita Pilipinas Ngayon nitong Huwebes, sinabing nasa edad dalawa hanggang 10 ang mga nabiktima ng paputok sa lalawigan.

Kabilang dito ang dalawang-taong-gulang na si John Rey Andres na nasugatan ang daliri nang pumutok sa kanyang kamay ang napulot na piccolo na inihagis ng ibang bata.

Batay sa impormasyon mula sa provincial health office ng Tarlac, umabot sa 80 katao ang nabiktima ng paputok sa pagsalubong ng 2012. Kaya naman pinatindi nila ang kampanya na mapababa ang bilang ng mga nabiktima sa pagsalubong ngayong 2013. - FRJ, GMA News