Nabiktima ng paputok, umabot na sa 150; DSWD Manila, nag-alok ng laruan kapalit ng paputok
Iniulat ng isang opisyal ng Department of Health (DOH) nitong Biyernes na umabot na sa 150 katao ang nabiktima ng paputok. Sa Maynila, nag-alok ang Department of Social Welfare and Development sa mga bata na papalitan ng laruan ang dadalhin nilang paputok. Ayon kay DOH-National Epidemiology Center head Enrique Tayag, sa 150 revelry-related injuries na naitala mula noong nakaraang linggo, isa lamang sa mga ito ang hindi direktang biktima ng paputok. "As of 6 a.m. Dec. 28, 2012, the total firework-related injuries (is) 150: 149 due to fireworks and one (due to) stray bullet," pahayag ni Tayag sa kanyang Twitter account. Ang liderato ng Philippine National Police, hinakayat ang publiko ang ipaalam sa kanila (sa pamamagitan ng pag-text sa 0917-8475757 ) ang mga pulis na magpapaputok ng paputok at maging ng baril sa pagsalubong sa bagong taon. Aminado si PNP chief Director General Alan Purisima na hindi nila masusubaybayan ang lahat ng mga pasaway na pulis. "Paputok Palit ng Laruan" Â Sa layunin na ilayo sa disgrasya ang mga bata, inilunsad naman ng DSWD sa Manila nitong Biyernes ang programang "Paputok Palit ng Laruan." Â Sa pagsisimula ng programa, umabot sa may 100 bata ang ânagsuko" ng mga paputok kapalit ng laruan. Kabilang sa mga paputok na ito ay piccolo, five star, at maging whistlebomb. "'Yan ang pinakadelikado, 'yan ang may pinakamaraming nabibiktimang mga bata, yung piccolo," ayon kay DSWD Manila head Jay Dela Fuente sa panayam ng GMA News TV's Balitanghali. Â Ang "palit areas" ay inilagay umano sa Tondo area, partikular sa Tondo 1, Tondo 2, at District 5. Â "Pero yung ibang distrito pwede rin sila magpalit dun. Dalhin lang nila yung paputok nila dun, papalitan namin ng laruan," dagdag ng opisyal. No to firecracker -- PMA Samantala, nanawagan naman ang Philippine Medical Association sa publiko na huwag magpaputok ng mga malalakas na uri ng paputok at ng baril sa pagsalubong sa bagong taon. Sa isang pahayag nitong Biyernes, pinuri ng PMA ang kampanya ng PNP at DOH na mapababa ang bilang ng mga nabibiktima ng paputok at ligaw na bala sa paglipas ng mga taon bagaman marami pa rin ang nadidisgrasya. âPMA lauds the drive the Department of Health in encouraging music and dance in place of firecrackers . It's definitely safe, cheap and healthier . The fun derived may even be longer lasting and memorable," pahayag ng PMA. âPowerful firecrackers should be treated like guns and should be prohibited, not only regulated," dagdag pa nila. Sa dami ng nabibiktima ng paputok, wala umano itong ipinagkaiba sa pinsalang dulot ng mga kalamidad. Ngunit hindi tulad ng mga kalamidad na bunga ng kalikasan, ang paputok ay gawa ng tao kaya maaaring maiwasan. Sa pagsalubong ng bagong taon nitong 2012, umabot sa halos 1,000 katao ang nasugatan sa mga paputok at ligaw na bala ng baril. - FRJ, GMA News