ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Ang closet ni Lani Misalucha at make-up trends para sa 2013, tampok sa Fashbook
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Ang closet ng Asia's Nightingale na si Lani Misalucha, at make-up trends para sa 2013
Airing: Jan. 2, 2013
Sa unang Miyerkules ng 2013 susugurin ng Fashbook ang closet ng nag-iisang Asia’s Nightingale na si Lani Misalucha. Naka-base na sa Las Vegas, USA si Lani pero kasalukuyan siyang bumibisita rito sa Pilipinas para sa ilang guestings at concerts at dala-dala niya rin ang ilan sa mga paborito niyang kausotan at make-up items. Sa pagsugod ng Fashbook sa kanyang closet, makikita na ang ilang magagarang gowns na sinusuot ni Lani sa kayang concerts hindi lang dito sa Pilipinas kung hindi pati sa kanyang concerts abroad. Ipapakita rin ni Lani ang mga fashionable item na naipon na niya simula nang tumira siya sa Las Vegas. Mayroon pa siyang dagdag na make-up demo na madaling gawin pero glamorosa ang dating.
Mapapanood din ngayong Miyerkules sa Fashbook Q & A ang isang babaeng na-losyang in love! Kasama ang Fashbook Life Coach na si Ms A, tutulungan siya ni Solenn na makapag-move on hindi lang sa kanyang relasyon kung hindi pati na rin sa kanyang porma na nakalimutan na niyang bigyan pansin. Sa S-List naman, ipapakita at ituturo ni Solenn ang mauusong make-up trends ngayong 2013.
Mapapanood ang lahat ng ‘yan sa Fashbook ngayong Miyerkules, 10pm, pagkatapos ng SONA sa GMA NewsTV.
More Videos
Most Popular