ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Retiradong pulis, nasunog sa loob ng kanyang multicab sa Cebu City


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Patay ang isang retiradong pulis matapos siyang makulong at masunog sa minamaneho niyang multicab sa Cebu City nitong Martes ng gabi. Sa ulat ni Lou-Anne Mae Rondina ng GMA-Cebu sa Balita Pilipinas Ngayon nitong Miyerkules, sinabing nakuha ang sunog na bangkay ng lalaki sa loob ng natupok na multicab dakong 9:00 p.m. nitong Martes. Hindi kaagad natukoy ang pagkakakilanlan ng sunog na bangkay na kalaunan ay kinilala ng kanyang pamilya na si retired Col. Salvador Sanchez, tinatayang nasa edad 60. Ayon kay kagawad William Radana ng Brgy. Tabunan, Cebu City, dakong 6:00 p.m. nang makita nilang nagliliyab ang nakaparadang multicab. Bitbit ang fire extinguisher, pilit umano nilang inapula ang apoy sa sasakyan pero malakas na ito. Nakita rin umano nila ang lalaki sa loob ng sasakyan na tila wala nang buhay. Nakuha ang bangkay ng biktima sa loob ng sasakyan dakong 9:00 p.m. Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya kung ano ang dahilan ng pagkasunog ng sasakyan. - FRJ, GMA News

Tags: arson, fire