ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Mindoro Expedition ng 'Motorcycle Diaries,' aarangkada na sa Biyernes!
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MOTORCYCLE DIARIES MINDORO EXPEDITION - PART 1
JANUARY 4, 2013
Panibagong taon, panibagong adventure na naman ang tatahakin natin sakay ng motorsiklo! Sa isang panibagong paglalakbay, lilibutin naman natin ang islang literal na tinaguriang “gold mine” o “mina de oro” ng Pilipinas – ang isla ng Mindoro.
Sa unang yugto ng ating Mindoro Expedition, tutuklasin natin ang angking ganda ng isla na ‘di hamak na mas mahalaga sa anupamang kumikinang na yaman. Sa kauna-unahang pagkakataon, susubukan ni Jay ang white water rafting sa bayan ng San Teodoro. Sakay ng kayak, babagtasin ni Jay ang labimpitong water rapids sa Arigoy River.

Pero hindi lamang water adventure ang matatagpuan sa nasabing ilog. Nasaksihan din ni Jay ang ilan nating kababayan na nagbabakasakaling makakuha ng tagong yaman sa tubig. Gamit ang tila maliliit na batya, sinasala ng ilang residente ang lupa sa ilog para maihawalay ang putik sa munting gintong buhangin. Pero ang gold panning na ikinabubuhay ng ilan nating kababayan, maaaring makasira sa kalikasan.
Isa pang ipinagmamalaking yaman ng Mindoro ang bundok Halcon na kabilang sa dalawampung pinakamataas na bundok sa Pilipinas. Sa katunayan dinarayo pa ito ng mga mountaineer sa ibang lugar. Pero noong 2006 isang moratorium ang ipinatupad na nagbabawal akyatin ang Mt. Halcon. Pero giit ng mga mountaineer, hindi sila ang nakasisira sa likas na ganda ng bundok kung hindi ang illigal na pagpuputol ng mga puno dito. Talamak daw kasi ang illegal logging sa bundok.

Mula sa kabundukan, sunod na bibisitahin naman natin ang bayan ng Victoria na tinaguriang “Fruit Basket” ng Oriental Mindoro. Ang mga prutas na nakilala sa ibang rehiyon tulad ng lanzones, mangosteen at durian, matatagpuan na rin sa kanilang bayan. Kaya naman lalo pang yumayaman ang industriya ng prutas sa Victoria. Sa bayan naman ng Naujan, imbes na prutas mga bulaklak ang ginagawang inumin! Dito natin matitikman ang natatanging lasa ng ipinagmamalaki nilang Gumamela Juice!
Angkas na sa unang yugto ng 4-part series ng ating Mindoro Expedition ngayong Biyernes, sa Motorcycle Diaries sa GMA News TV channel 11!
Angkas na sa unang yugto ng 4-part series ng ating Mindoro Expedition ngayong Biyernes, sa Motorcycle Diaries sa GMA News TV channel 11! Tags: plug
More Videos
Most Popular