GMA News Online
Ulat Filipino
»
Balitang Pinoy

PopCom: Populasyon ng Pinas, maaaring umabot na sa 97.755M

January 3, 2013 2:57pm
Maaaring umabot na sa halos 98 milyon ang populasyon ng Pilipinas pagtungtong nitong ika-3 ng Enero 2013, batay sa pinakahuling pagtataya ng Commission on Population.

Sa online counter ng PopCom sa website nito, dakong 10:02 a.m. nitong Huwebes, umabot na sa 97,755,571 ang tinatayang bilang ng populasyon ng bansa.

Nakabatay naman ang estimate ng PopCom counter sa 2.0-percent population change mula sa 88,566,732 na populasyon noong Aug. 1, 2007.

Ayon sa PopCom, ipinakita ng National Statistics Office 2007 Census na 2.04-percent ang annual population growth rate (APGR) mula 2000 hanggang 2007, at tinatayang 2.05-percent ang APGR mula 2000 hanggang 2005.

“APGR of 2.04 percent (2000-2007) indicates a decelerating momentum from 2005-2007 and if sustained, the projected APGR in 2010 of 1.95 percent could be achieved,” ayon sa PopCom.

Samatala, ipinakita ng NSO sa 2010 Census of Population and Housing na umabot na sa 92,337,852 ang populasyon ng Pilipinas noong May 1, 2010.

Ibig sabihin umano nito, tumataas ang populasyon ng 1.90 percent kada taon mula 2000 hanggang 2010 – kumpara sa average annual growth na 2.34 percent mula 1990 hanggang 2000.

Batay din sa datos ng NSO 2010 Census, ang pinagsamang populasyon ng Calabarzon, Metro Manila at Central Luzon ay kumakatawan sa mahigit 1/3 (30%) sa kabuuang populasyon ng Pilipinas. — LBG, GMA News
Go to comments



We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus