ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

10-anyos na lalaki, kamuntik mabigti nang magwala ang alagang baka


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Kamuntik nang mauwi sa trahedya ang paglalaro ng isang 10-taong-gulang na batang lalaki na nakatuwaang ilagay sa leeg ang tali ng kanilang alagang baka sa La Paz, Abra. Sa ulat ng Balita Pilipinas Ngayon ng GMA News TV nitong Huwebes, sinabing isinuot ng biktima sa kanyang leeg ang tali ng baka habang papauwi sila kasama ang kanyang ama. Hindi nagtagal, biglang nagwala ang hayop at tumakbo, at nakaladkad ang biktima ng hanggang anim na metro ang layo. Posible umanong nabigla ang baka nang paluin ng ama ang kanyang anak. Hindi naman daw alam ng ama na inilagay ng kanyang anak sa leeg ang tali ng baka. - FRJ, GMA News