ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Bagong taon, bagong buhay sa 'Good News' ngayong Linggo
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Leftover Lutuan Huwag hayaang masayang ang mga pagkaing natira sa inyong holiday handaan. Sa tulong ng aming kitchen expert, gagawa tayo ng mga ulam na kakaiba mula sa mga natirang karne't prutas. Tara na't pagsaluhan ang mala-noche buenang pagkain gaya ng Fruity Barbecue Adobo, Chicken and Ham Meatballs at Menudo Shepherd's Pie. Bagong Taon, Bagong Buhay! Ngayong bagong taon, alamin ang mga pagbabagong gustong makamit ng ating mga Kapuso celebrity. Atin ding kilalanin ang mga kahanga-hangang Kapusong may kakaibang New Year's resolution, dahil imbes na para sa sarili ang ginawang panata, ang kapakanan ng kanilang kapwa ang kanilang pinagtutuunan ng pansin. Kakaibang Kainan Ang New Year's Resolution ni Good News Girl Bea, hindi ang magdiyeta, kundi ang tumikim ng mga pagkaing bago at kakaiba! Samahan natin siya sa pagdiskubre ng mga pang-meriendang binigyan ng bagong bihis--tulad ng pichi pichi na lasang yema, ice cream na hinaluan ng kakanin, at bagnet na pinasarap ng bawang! Flat Shoes Fashion Ipahinga muna ang mga paa sa pagsuot ng killer heels dahil ang in ngayon ay Flat Shoes Fashion! Sa tulong ng isang sikat na fashion designer, aalamin natin ang mga malilikhaing paraan para pabonggahin ang mga simpleng flats. Ang super comfortable shoes, ngayon super stylish na din! Rice Water Magic Ang pinagkuluan ng bigas o am, ubod daw ng sustansiya! Kaya naman halos hindi mabilang ang mga pakinabang nito. Mula sa pagiging grease at odor-remover ng ating mga kaldero hanggang sa pampa-byuti at pagiging instant energy drink, ang am, laging maaasahan!
Tags: plug
More Videos
Most Popular