GMA News Online
Ulat Filipino
»
Iloilo

Dalagang tumangging makipag-sex sa ka-textmate, ginilitan sa Aklan

January 4, 2013 8:36pm

Tags: Aklan
Himalang nakaligtas ang isang dalaga sa Kalibo, Aklan na matapos gilitan sa leeg ng kanyang naka-eyeball na textmate ay itinapon pa siya sa ilog.

Sa ulat ng Balita Pilipinas Ngayon ng GMA News TV nitong Biyernes, sinabing batay sa imbestigasyon ng pulisya, pinagbigyan ng biktima ang hiling ng kanyang ka-textmate na magkita sila.

Nang magkita ang dalawa sa isang tulay, pinilit naman umano ng suspek ang biktima na magtalik sila.



Ngunit hindi umano pumayag ang biktima na dahilan para magalit ang suspek at ginilitan nito ang dalaga.

Sa pag-aakalang patay na ang biktima, inihagis pa umano ng suspek ang dalaga sa ilog.

Nakahingi ng tulong ang biktima sa mga tao at nadala siya sa ospital.

Tinutugis na ngayon ng mga pulis ang suspek. - FRJ, GMA News
Go to comments

Tags: Aklan