GMA News Online
Ulat Filipino
»
Balitang Pinoy
»
RH Bill

Paglobo ng populasyon, makabubuti sa gobyerno, ayon sa isang obispo

January 4, 2013 9:48pm
Sa halip na maging problema, naniniwala ang isang obispo ng Simbahang Katoliko na makatutulong sa gobyerno ang mas malaking populasyon ng bansa.

Ang pahayag ay ginawa ni Sorsogon Bishop Arturo Bastes, kasunod ng ipinalabas na pagtaya ng Population Commission (POPCOM) na maaring umabot sa 97.9 milyon ang populasyon ng Pilipinas ngayong 2013.

Paliwanag ng obispo, ang mas maraming populasyon at mangangahulugan ng mas maraming manggagawa. Kailangan lang umanong hubugin at pagyamanin ito para makatulong sa pagpapalakas ng ekonomiya.

“Having a large population is not a curse, it is a blessing," pahayag ni Bastes sa panayam ng Radio Veritas.

“Because of that (large population) the Philippines is exporting OFW (overseas Filipino workers), labor force natin maganda at alam naman ng lahat na ang mga OFW natin ang bumubuhay sa ating ekonomiya," paliwanag pa niya.

Kung mayroon man umanong hindi kasiya-siya sa bansa, sinabi ni Baltes na ito ay ang patuloy na katiwalian, pang-aapi at kawalan ng katarungan, at iba pa.

Pero dahil sa bagong Reproductive Health (RH) law, nangangamba ang obispo na bababa ang populasyon ng mga Pilipino sa darating na panahon.



Sa isang ulat ng GMA news Unang Balita, inihayag ng Department of Labor and Employment (DOLE) na umaabot sa 2.9 milyon ang walang trabaho ngayon sa bansa. Marami umano sa mga ito ay mga kabataan.

Kaugnay nito, inihayag ng DOLE na magsasagawa ang DOLE-NCR (National Capital Region) ng 106 job fairs magmula sa Enero 5 hanggang Disyembre 2, 2013.
 
"The DOLE-NCR has already firmed up an initial 106 job fairs this year…This is only an initial schedule. There will be many more job fairs, especially in the regions, for our job seekers this 2013," ayon kay Labor Secretary Rosalinda Baldoz sa isang pahayag.

Gagawin ang mga job fair sa mga sumusunod:

January 5, 12, 19, at 26--PESO Mandaluyong;

Jan 7, 14-18, 21, 23, 25, 28, 30--PESO Taguig;

January 8--SM Supermarket Mandaluyong;

January 9--PESO Taguig and SM Homeworld Mandaluyong;

January 11--E-performax Mandaluyong, PESO Makati-Pasay, at PESO Taguig;

January 22--SM Supermarket at PESO Mandaluyong;

January 25--PESO Makati;
 
February 4, 5, 16, 18, 20, 21, 22, 23, 25, 27--PESO Taguig;

February 8, 11, 15--PESO Pasay;

February 16, 23--PESO Mandaluyong;
 
March 1--PESO Muntinlupa;

March 22--PESO Quezon City at Pasay;
 
April 1, 3, 5, 8, 10, 12--PESO Taguig;

April 12, 26--Special Job Fair sa PESO Makati at Pasay;

April 15, 17, 19, 22, 24, 26, at 29--PESO Taguig;
 
May 1--SM Super Center Mega Job Fair Muntinlupa;

May 6, 8, 22, 24, 29, 31--PESO Taguig;

May 10--Mega Job Fair PESO Makati at Pasay;
 
June 3, 5, 7, 10, 14, 17, 19, 21, 24, 28--PESO Taguig;

June 21--Mega Job Fair PESO Quezon City at PESO Pasay;
 
July 6, 26, 27--PESO Mandaluyong;

July 12, 26--PESO Pasay;
 
August 3, 10, 16, 17, 21, 31--PESO Mandaluyong;

August 16--Mega Job Fair PESO Pasay;
 
September 6--Mega Job Fair PESO Quezon City;

September 7, 14, 28--PESO Mandaluyong;

September 13, 27--PESO Pasay;
 
October 5, 12, 19, 25, 26--PESO Mandaluyong;

October 11, 25--Special Job Fair PESO Makati at Pasay;
 
November 8--Special Job Fair PESO Makati at Pasay;

November 15--Mega Job Fair PESO Quexon City; at
 
December 2--Mega Job fair PESO Makati at Pasay.

-- MP/FRJ, GMA News



We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus