ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Alden Richards at Bela Padilla, gagawaran ng Model Star Award sa South Korea
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Maganda ang pasok ng 2013 para kay Magdalena star Bela Padilla at Kapuso star Alden Richards dahil maliban sa kaliwa't kanan nilang proyekto ay gagawaran sila ng Model Star Award sa South Korea sa susunod na linggo.
Ayon sa ulat ni Luane Dy sa Balitaghali nitong Lunes, bukod sa dalawang Kapuso stars, bibigyan din ng award ang beauty queen na si Chloe Macaulay.
Maliban dito, inaabangan na rin ang pagsabak ni Alden sa "Indio," ang bagong fantasy drama ng GMA-7 na mapapanood ngayong Enero kung saan makakatambal niya si Bea Binene.
Wika pa nito, "To make my craft even more, parang gusto kong i-explore yong craft ko in many ways possible, kailangan marami kang i-explore as many as possible." — Mac Macapendeg/RSJ, GMA News
Tags: aldenrichards, belapadilla
More Videos
Most Popular