ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

100 pamilya sa Davao City, lumikas dahil umano sa mga rebelde


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

May 100 pamilya sa isang barangay sa Davao City ang napilitang lisanin ang kanilang mga bahay dahil umano sa mga hinihinalang miyembro ng New People's Army (NPA).

Sa ulat ng Balita Pilipinas Ngayon ng GMA News TV, sinabing mahigit 100 hinihinalang rebelde ang namataan sa barangay Tambobong noong Enero 2.

Sinubukan umano ng mga lider ng tribal group na pakiusapan ang mga hinihinalang rebelde na umalis pero tumanggi raw ang mga ito.



Hinala ng ilang residente, nagtungo doon ang mga pinaniniwalaang NPA para mag-recruit ng mga miyembro.

Pansamantalang tumutuloy ang mga residente sa isang barangay hall na masusing binabantayan ng mga sundalo.

Samantala, isang naiwang timba naman sa barangay 12 ang nagdulot ng pangamba sa mga residente sa pag-aakalang mayroon itong bomba.

Ngunit nang suriin ng mga awtoridad ang laman ng timba, nakita rito ang mga bulok na isda. - FRJ, GMA News

Tags: davaocity