ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Richard Gutierrez, may wish sa kanyang darating na kaarawan


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nakatuon sa trabaho ang atensiyon ngayon ng Kapuso leading man na si Richard Gutierrez kaya wala pa raw nabubuong plano ang binata sa kanyang nalalapit na kaarawan ngayong Enero. Ayon sa ulat ni Lhar Santiago sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Martes, partikular na nakatutok daw si Richard sa kanyang movie na Seduction, kung saan kasama niya ang nobyang si Sarah Lahbati at Solenn Heussaff. Ito ang kauna-unahang pelikula ni Richard na may pagka-sexy ang tema ng pelikula. Katunayan, mayroon siyang intimate scenes sa dalawa niyang leading ladies. Gayunman, sinabi ng aktor na tanging hangad niya sa kanyang kaarawan sa darating na Enero 21 ay maging matagumpay ang Seduction at peace of mind sa lahat. Simple rin lang daw niyang ipagdiriwang ang kanyang kaarawan kasama ang kanyang mga mahal sa buhay. Nang tanungin si Richard tungkol sa kanyang karanasan sa mga sexy scene, inamin nito na hindi siya kumportable pero handa siyang gawin ang mga eksena. - FRJ, GMA News