ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Pacquiao, balik bansa matapos magbakasyon sa Israel kasama ang pamilya


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Nakabalik na sa bansa ang Pambansang Kamao na si Manny "Pacman" Pacquiao mula sa kanyang holiday vacation sa Israel kasama ang pamilya.
 
Ayon sa ulat ni  Hadji Rieta sa “Unang Balita” nitong Miyerkules, sa Israel ipinagdiwang ng pamilya Pacquiao ang kanilang Pasko at Bagong Taon.
 
Wika pa ni Manny, "Happy kami lahat. Inikot namin lahat, buong Israel inikot namin."  
 
"Parang sini-set aside namin 'yung mga problema dito or mga pwedeng pag-usapan doon," ani naman ni Jinkee, misis ni Pacquiao.
 
Samantala, sinagot naman ni Pacman ang mga usap-usapan hinggil sa pahayag ng isang doktor na nakararanas siya ng sintomas ng Parkinson's disease, isang karamdamang may kaugnayan sa nervous system.
 
Ani Pacman, "Comment na lang 'yun. Lahat naman may karapatan mag-comment. Siyempre ako sa sarili ko, after ng fight, sa hospital, tapos pagdating ko dito sa Pilipinas, make sure na nagpa-MRI ako, lahat, nagpa-checkup ako, so okay naman ang resulta."
 
Ipinagkibit-balikat lang din ni Jinkee ang naturang balita.
 
"May nag-text lang pero hindi ko chineck kung sinong nagsalita, kung sino 'yung doktor, so wala."
 
Tungkol naman sa ika-limang laban ni Pacman at Marquez sa Setyembre, sinabi niyang hindi pa raw nila ito nagpag-uusapan.
 
Maliban dito, ngayong nasa bansa na ang Pambansang Kamao ay magiging abala raw muna siya sa pagiging kinatawan ng Sarangani sa Kamara. — Mac Macapendeg/KBK, GMA News