ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Hinihinalang illegal recruiter sa Pangasinan, huli sa entrapment ops


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Isang babae na hinihinalang illegal recruiter ang nadakip ng mga awtoridad sa isang entrapment operation sa Sison, Pangasinan. Sa ulat ng Balita Pilipinas Ngayon ng GMA News TV nitong Huwebes, kinilala ang nadakip na suspek na si Gladys Abalos. Ayon sa ulat, inireklamo si Abalos ng limang tao na pinangakuan niya ng trabaho sa ibang bansa at hiningan ng tig-P20,000. Gayunman, wala umanong nakaalis sa limang nagrereklamo kahit naibigay na ang pera sa suspek. Tumanggi ang suspek na magbigay ng pahayag. Nanawagan naman ang pulisya ng Sison sa iba pang posibleng nabiktima ni Abalos na maghain din ng reklamo. Kasabay nito, isa pa umanong kasama ni Abalos ang pinaghahanap ng mga awtoridad. - FRJ, GMA News