ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

'Pating' challenge, iwas temptasyon, at iwas tirik tips sa Best Men


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
'PATING' CHALLENGE, IWAS TEMPTASYON, AT IWAS TIRIK TIPS SA BEST MEN BEST MEN Airing date: January 14, 2013 Isa na namang makapigil hiningang adventure ang susuungin ng ating mga hosts! Susubukan nila ang trabaho ng isang caretaker ng “pating" sa Ocean Adventure sa Maynila! Anak ng pating talaga sa takot factor ito! Kayanin kaya nila Jun V at RJ ang lumapit, lumangoy, at magpakain ng pating?! At dahil sa pagmamahal ng presyo ng mga bisyo tulad ng sigarilyo, marami na ang gustong sumubok na tuluyan na lang iwanan at itigil ang bisyong ito. Pero dahil isa ito sa pinakamahirap tanggalin na bisyo, paano kaya malalabanan ang temptasyon?! Ilalatag ng Best Men ang lahat ng mga paraan at alternatibo para makaiwas sa yosi! Mag-iimbita rin kami ng mga lalaking willing na bitawan ang bisyong ito! Susubukan nila lahat ng mga alternatibo at malalaman natin sa kanila kung aling mga produkto o pamamaraan ang pinaka-magiging epektibo sa kanila! Lagi ka na lang bang late? At lagi mo na lang dinadahilan ang pagtirik ng kotse mo? Best Men tip of the Week: Sawa ka na ba sa pagtirik ng iyong sasakyan? Puwes kung hindi mo kayang bumili ng bagong kotse, dapat alam mo ang pamamamraan ng iwas tirik, o mga diskarteng tutulong sayo sa iba’t ibang klase ng pag palya ng sasakyan mo! Abangan rin ang gagawin naming gadget review sa iphone 5 and ipad mini kasama ang kilalang tech blogger na si Calvin Lo ng Pinoytechblog.com! Todos rekados sa saya at bagong kaalaman na naman ang handog ng Best Men ngayong Lunes, 10:30pm, sa GMA News TV channel 11! The Best ang Monday, dahil ito ay Best Men day!