ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Disney actress Anna Maria Perez de Tagle, pupuntang London para sa Miss Saigon audition


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Lilipad patungong London ang Filipina-American Disney actress na si Anna Maria Perez de Tagle upang mag-audition para sa West End revival ng stage musical na "Miss Saigon."
 
Hindi kasi nakapag-audition sa bansa si Anna Maria noong Nobyembre 2012 dahil sa iba nitong commitments.
 
Kwento pa nito  sa ulat ni Cata Tibayan para sa GMA News, "I had a commitment in the US but I was told that it got pushed back to 2014. So I'll be going to London for, hopefully auditioning."
 
Dagdag pa nito, ang pagganap sa nasabing palabas ay isa raw sa mga pangarap ni Ana Maria. 
 
 
Sa ginanap na audition sa bansa, sinabing sa mahigit 1,000 nag-audition mula noong nagsimula ito at 74 na lamang ang natira na kinabibilangan ng 38 babae at 36 na lalaki.
 
Pasok sa shortlist ang tatlong Kapuso singers na sina Rachelle Ann Go, Frencheska Farr, at Aicelle Santos.
 
Samantala, nasa bansa ngayon si Anna Maria dahil magtatanghal siya sa pagbubukas ng bagong club sa Makati City, ang Circuit Center, kung saan makakasama niya ang beterano sa teatro na si Leo Valdez.
 
Gayundin, hindi lamang show tunes ang aawitin ng aktres kundi maging ang mga kundiman na pinasikat ng kayang lola na si Sylvia de la Torre, ang itinaguirang queen of Kundiman.
 
Kwento pa ni Anna Maria, ang kanyang lola raw ang nagturo sa kanya ng mga sikreto upang panatilihin ang kanyang boses.
 
Aniya, "My Mama Sita taught me when I was younger and I still don't do that, no ice in water, in drinks, no ice cream. I don't know what ice cream taste like. Nothing cold so I protect my vocal chords. I'm not a party girl so I like to get as much rest as I can. So no puyat."
 
Noong Biyernes dumating ang Disney actress sa bansa at mula noon ay puspusan na ang kanyang pag-eensayo.
 
Maliban dito, susubukan din ni Anna Maria na isingit ang pagbabakasyon sa kanyang schedule dito sa bansa.
 
"I'm trying to extend just to go to places like Baguio and go sight seeing because I never got to do that when I went last year," wika nito.
 
Pumunta sa bansa si Anna Maria noong nakarang taon para sa concert Jonas Brothers kung saan nagtanghal siya bilang front act. — Mac Macapendeg/RSJ, GMA News