ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Mga public dance classes, susubukan sa 'Pop Talk'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
POP TALK PUBLIC DANCE CLASSES Airing Date: January 15, 2013 Mas masayang mag-exercise nang may kasabay, lalo na kung buong barangay! Kaya bakit hindi subukang sumali sa iba’t ibang fitness workout habang nakikipag-bonding sa buong pamilya at mga kapitbahay? Libre pa ang mga ito!
Ang Valenzuela City Public Dance Class na may rhumba, cha-cha, at zumba ang unang rerebyuhin! Aerobics capital daw ang Valenzuela City dahil sa dami ng mga barangay na hataw sa sayawan at pag-eehesisyo dito. Taebo at hi-lo, ‘yan naman ang mga pambatong sayaw sa Navotas City Public Dance Class na bahagi ng Oplan Kilos Katawan ng syudad. Last stop sa Quezon Memorial Circle Public Dance Class para purbahan ang exercise routine na ‘aerosport’.
Kasama ni Tonipet Gaba sa pagrerebyu ang ating expert na professional dancer at instructor na si Maricel Dulla, ang daddy na gustong bantayan ang kanyang timbang na si Jorie Ebus, at ang celebrity reviewer na Kapuso sexy star na si Ehra Madrigal. Huhusgahan nila ang tatlong public dance classes base sa criteria na doability, fun factor, at facilities. Aling public dance class kaya ang magpa-pop sa kanila? Alamin ngayong Martes sa ‘Pop Talk: Public Dance Classes,’ January 15, 10PM sa GMA NewsTV! Tags: plug
More Videos
Most Popular