ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Away-matanda sa Senado, elekyson at catholic vote, hihimayin sa Balitaktakan
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Ayaw matanda sa Senado, lumalala?
Kung saan-saan na raw napupunta ang bangayan nina Senadora Miriam Defensor-Santiago at Senate President Juan Ponce Enrile ngayon. Latest statement ng pinakamatandang matanda sa senado ---- kung may problema raw si Miriam sa kanya, aba’y dalhin daw siya sa korte kahit hanggang sa international criminal court!
Hanggang saan nga kaya aabot ang hidwaang ito? Sasagutin ‘yan mismo ni Miriam Deferensya Santiago sa Balitaktakan, abangan!
Samantala, opisyal nang nagsimula ang election period noong January 13. Ngunit paalala ng COMELEC --- sa February 12 pa ang simula ng campaign period! At kung usapang eleksyon ang pag-uusapan, may say si Fadir Clahey tungkol sa usapin ng ‘Catholic Vote’. Ano ba itong “Catholic Vote” na ito? Epekto ba ito ng matagumpay na pagkakasabatas ng RH bill?!
At para sa Pa-star, iinterbyuhin ni Maey B. ang isa sa mga Kapuso leading men na talaga naman tinitilian ng mga dalaga at bading! Ang tinatawag na “Pambansang dimples ng Pilipinas” na si Alden Richards!
Syempre, hihirit pa rin si Boobay sa pinatapang at mas pina-kwelang Ang Twit Twit Mo!
Tutok na sa kalahating oras na siksik sa balitang nakakatawa at gawa-gawa, kasama sina Ramon Bautista, Maey Bautista at Boobay, ka-jamming pa rin si Ms. Jinri Park, at ang Tanya Markova!
Lahat ng ito sa May Tamang Balita ngayong Huwebes, 10:00 PM sa GMA News TV, Channel 11 pagkatapos ng SONA.
More Videos
Most Popular