GMA News Online
Showbiz
»
Chika Minute

Kylie Padilla, inspirasyon si Aljur Abrenica sa kanyang solo album

January 15, 2013 11:09pm

Nagsisilbing inspirasyon daw ng Kapuso actress na si Kylie Padilla ang rumored boyfriend nitong si Aljur Abrenica sa kanyang ilalabas na first solo album.

"His contribution is probably inspiration. 'Pag na-record ko na, 'yong iba ipinarinig ko sa kanya tapos humihingi ako ng advise kung okay na ba," kwento ng aktres.

Balik na nga sa trabaho si Kylie matapos ang ilang linggo niyang bakasyon sa Germany kasama ang kanyang ama na si Robin Padilla.



Sa ulat ni Luane Dy sa Balitanghali nitong Martes, sinabi ni Kylie na na-miss niya ang pag-arte kaya excited na siya sa bago niyang proyekto.

Kasama si Kylie sa GMA soap na "Familia de Honor" kung saan makakatambal niya sina Benjamin Alves at Mark Herras. - Mac Macapendeg/FRJ, GMA News
Go to comments