We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Pangungunahan nina Senador Bong Revilla Jr., Marian Rivera, at Dingdong Dantes ang mga Kapuso star na makikisaya sa Sinulog Festival sa Cebu, ang isa pinakamalaking selebrasyon sa bansa taun-taon. Si Sen. Bong ang pangunahing bida sa bagong epic-fantaserye ng GMA-7 na Indio, samantalang bida sa Temptation of Wife ang Primetime Queen si Marian Rivera, at sa Pahiram ng Sandali kabilang si Dingdong. Sa Biyernes (January 18), makakasama ng mga Kapusong Cebuano sina Marian at iba pang cast member ng Temptation of Wife na sina Dennis Trillo, Glaiza de Castro, Michelle Madrigal, Bettina Carlos, at Rafael Rosell, para sa Kapuso Mall Show. Gaganapin ito sa Gaisano Capital-Casuntingan, Mandaue City sa ganap na 3:00 p.m., at sa Kapuso Night na gaganapin naman sa Ayala Terraces Cebu pagsapit ng 5:00 p.m. Sa nabanggit ding araw (Biyernes), ang kasiyahan sa nasabing kapistahan ay tatawid sa kalapit na lalawigan ng Negros Occidental kung saan gaganapin ang Sinulog Sa Kabanlakan: Kapuso Fiesta sa Kabanlakan City, Negros Occidental dakong 6:00 p.m. Dito ay makikisaya ang mga Kapuso star na sina Alden Richards (Indio), Isabel Oli (Forever), ang comic duo na Moymoy Palaboy, at Queen of Soul at Party Pilipinas mainstay Jaya. Sa Sabado, Jan. 19, magtutungo naman sa Gaisano Grand Fiesta Mall, Tabunok (3:00 p.m.) ang mga bida ng Pahiram ng Sandali na sina Dingdong Dantes, Max Collins, at Lorna Tolentino para sa Kapuso Mall Show. Sa nasabing araw din magtutungo ng Gaisano Grand Mall Mactan ang mga tween star na sina Kristoffer Martin at Barbie Forteza, at ang Forever star na si Isabel Oli para rin sa Kapuso Mall Show pagsapit ng 4:00 p.m. Lalo pang titindi ang kasiyahan pagsapit ng 5:00 p.m. dahil makakasama ng mga Kapusong Cebuano para sa Kapuso Mall Show sa SM City Cebu Event Center ang cast ng Indio na sina Sen. Bong, Alden Richards, Jennylyn Mercado, Ehra Madrigal, at Rhian Ramos. Sasamahan din sila ng Pahiram ng Sandali stars na sina Dingdong, Max, at ni Miss Lorna T. Sa Linggo, Jan. 20, abangan naman ang inyong mga paboritong artista ng GMA gaya nina Sen. Bong, Rhian, Alden at Ehra na makakasama sa Sinulog Grand Parade. "January is a busy month for us Cebuanos as this is the time of the year when we come together as one with pride for our beloved patron saint, Senyor Sto. Niño. And I am very positive that my fellow Cebuanos are thrilled that GMA Network is joining in the fun and excitement brought about by this one-of-a-kind festival," ayon kay GMA Central at Eastern Visayas Station Manager, Ms. Ann Marie O. Tan. Mapapanood ang pakikisaya ng GMA Network sa 2013 Sinulog Festival sa two-part special sa weekly travelogue na "Let's Fiesta" na ipapalabas sa Pebrero 10 at 17 sa GMA regional stations sa Bicol, Cebu, Davao, Iloilo, Dagupan, Ilocos, GenSan, Bacolod, at CDO. - Mac Macapendeg/FRJ, GMA News