ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Ngayong Biyernes sa 'Motorcycle Diaries:' Nature tripping sa Mindoro
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Buhay mangingisda, dayuhang tourguide, tamaraw at nature trip sa Mindoro! January 18, 2013 Motorcycle Diaries' Mindoro Expedition
Sa ikatlong yugto ng ating Mindoro Expedition, kakamustahin natin ang isa pang grupo ng mga mangingisda sa bayan ng Bulalacao. Inihuhulog ng hindi bababa sa 20 mangingisda ang lambat sakay ng panghulong, isang uri ng malaking bangkang pangisda, habang sumisisid naman ang ilan sa kanila para bugawin at masigurong papasok sa kanilang lambat ang mga isda. Araw-araw nilang ginagawa ang mabigat na trabaho, pero sa kabila ng kanilang pagsisikap nanatili silang lubog sa kahirapan.
Sa Occidental Mindoro, isang dayuhang Swiss ang magtu-tour kay Jay, si Mike Ross, isang batikang diver at true blue adventurer sa isang exciting nature trip. Sinubukan nilang puntahan ang world class dive site na Apo Reef at isa pang kakaibang biyahe patungo sa isang tagong bukal na inihahalintulad sa ‘blue lagoon.’ Iba’t ibang ganda ng kalikasan ang kanilang nasilayan sa daan tulad nalang ng isang matikas na agila na Malayang nagpapahinga sa isang puno.
Pinasyalan din nila ang kagubatan ng Occidental Mindoro kung saan matatagpuan ang mga tamaraw na napapabilang na sa endangered species. Kikilalanin ni Jay ang mga kababayan nating Mindorenio na ibinuhos ang panahon at lakas sa pag-aalaga, pagpepreserba at pagpaparami ng mga tamaraw.
Angkas na sa ating nature trip sa ikatlong yugto ng ating Mindoro Expedition ngayong Biyernes, sa Motorcycle Diaries sa GMA News TV channel 11!
Tags: plug
More Videos
Most Popular