ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Janine Tugonon, gustong makatambal si Dingdong Dantes


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Handa na raw ang 2012 Miss Universe First Runner-Up na si Janine Tugonon na sumabak sa showbiz, at kung papipiliin siya ng makatatambal, walang iba raw ito kundi ang Kapuso actor na si Dingdong Dantes. Ayon sa ulat ni Luane Dy sa “Unang Balita” nitong Huwebes, matagal na raw iniidolo ng beauty queen si Dingdong dahil sa galing nito sa pag-arte. Kaya naman umaasa raw si Janine na kahit sa hosting o sa light drama ay makasasama niya ang Kapuso actor. Wika pa nito, “[Si] Dingdong. I really like him. Okay sa 'kin 'yung love story type. Ang galing niya, eh, sobra, eh, talagang hanga ako sa kanya when it comes to acting." Lumaban si Janine sa Miss Universe noong Disyembre 2012 sa Las Vegas, Nevada. Ang titulo ay nakuha ni Miss USA na si Olivia Culpo. Ilang beauty queen na rin ang kilala na ngayon sa showbiz, kabilang sina Shamcey Supsup (Miss Universe Third Runner-Up 2011) at Venus Raj (Miss Universe Fourth Runner-Up 2010). — Mac Macapendeg/KBK, GMA News