ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Regine, Ogie, Pops at Martin, may 'Foursome' concert sa Valentine's Day


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Sa unang pagkakataon, magsasama-sama ang apat na malalaking pangalan sa music industry sa bansa na sina Ogie Alcasid, Regine Velasquez, Pops Fernandez, at Martin Nievera para sa isang major concert sa Valentine's Day. Ayon kay Ogie, presidente ng Organisasyon ng Pilipinong Mang-Aawit (OPM), magandang senyales daw ang kanilang concert na pinamagatang "Foursome" para sa pagbangon ng mga Pinoy performer sa bansa. Nitong nakaraang taon kasi, tila nakatuon umano ang mga producer at manonood sa foreign acts kahit noong Valentine's Day, ayon kay Ogie. "We're four Filipino concert performers are performing in a big venue. It's a Filipino concert," pahayaag ni Ogie sa ulat Nelson Canlas sa Chika Minute ng 24 Oras nitong Miyerkules. Samantala, hindi naman daw issue para sa dalawang bigating diva na sina Regine at Pops ang pagsasama nila sa isang entablado. "Regine and I have worked together so many time already. Parati kaming may time na mag-tsismisan," saad ni Pops na binansagang Concert Queen ng bansa. Dagdag naman ng kinikilalang Asia's Song Bird na si Regine, "Yon 'yong time na hindi kami mag-uusap matagal, so magca-catch up kami." Dahil dating mag-asawa, naging sentro din ng tuksuhan sina Pops at Martin. Hindi naman nila itinanggi na naging mas malapit sila sa isa't isa sa pag-usad ng panahon matapos silang maghiwalay. "She's a more mature woman now. She's more business minded [but] still have the artist [in her,] still having fun with her life. Still very responsible more than before," pahayag ni Martin. Kakantahin ng apat ang kani-kanilang hits at magkakaroon pa ng pagkakataon na maka-duet nila ang isa't isa. Gaganapin ang naturang concert sa SM Mall Of Asia ngayong Pebrero 14, 2013. - Mac Macapendeg/FRJ, GMA News

Tags: foursome, concert, opm