ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Tubig na dapat pamatid-uhaw, nakadidiri raw
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Imbestigador Mga Reklamong Inaksyunan ng Sumbungan ng Bayan Airing Date: January 20, 2013 Balatkayo Sa Tondo, Maynila, may kilalang pagawaan ng wrapper o balot ng longanisa na sinu-supply sa ilang malalaking meatshops. Pero ang mga balat na ito, tila nagbabalatkayo! Nanlilimahid ang mga gamit sa paggawa, ang tubig na dapat sana’y panlinis-- dagdag peligro pa dahil sa dumi. Hindi lang din panganib sa kalusugan ang maaaring idulot dahil banta rin umano ito sa kalikasan. Ang mga basurang lamang loob - sa katabing daluyang tubig ang diretso! Tutuklapin na ang balat-kalabaw na pagawaan at ilalantad ang hubad na katotohanan! Tubig Kadiri Ang tubig ay buhay. Pero paano kung ang inuming tubig, positibo sa coliform? Tiyak na ikapapahamak o ikakamatay ito! Sa isang lugar sa Calamba, Laguna, ito ang kalbaryo ng mga residente. Ang tubig na dapat pamatid-uhaw, kadiri raw! De numero rin umano ang suplay ng tubig sa lugar dahil tatlong oras lamang sa isang araw kung tumulo sa gripo! Maisasalba pa ba ang tubig ng buhay? Huwag palampasin ang Imbestigador ngayong Linggo, January 20 sa GMA-7 pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho!
More Videos
Most Popular